Bakit sa magka relasyon minsan hindi maiwasang mangamba?
Normal na mangamba sa relasyon kahit na sabihin nating andiyan ang “Tiwala”. Syempre, mahalaga siya sayo, maari nating sabihing pag mamay ari mo siya kasi pumasok kayo sa “relasyon” eh. So commitment ng dalawang tao yun na aalagaan niyo ang isat-isa at kung siya, eh siya lang dapat talaga.
Hindi natin maiiwasan mangamba lalo na kung dumadating sa puntong nag-aaway kayong dalawa. Mangangamba ka kung masaya pa ba siya sayo o may iba ng taong nagpapasaya sa kanya. Syempre, gusto mo isa ka rin sa mga dahilan bakit siya masaya. So yung mga taong nakakausap niya at nakakasalimuha eh kinikilala mo ng hindi niya nalalaman, ayaw mo kasi magtanong ka sa kanya dahil sa baka masamain niya ito, kaya gagawin mo ang best mo para maintindihan ang lahat ng nakikita mo.
Normal yan sa relayon, normal din mag tanong. Iba na yung aware yung partner mo na yung mata mo eh palaging nasa kanya. Para alam niyang lahat ng ginagawa niya eh dapat nilalagyan niya ng limitasyon. Kung paano siya makipag usap sa ibang tao na nakakaselos na sayo.
Automatic yun. Kapag pumasok ka sa relasyon. Masasaktan ka at hindi mo maiiwasang magduda, kahit nandiyan pa ang sinasabi mong tiwala.
"Kapag nasa relasyon ka, hindi uso ang gantihan. Dapat may isa laging handang magpakumbaba dahil walang mararating yung away niyo kung puro sumbatan at murahan ang ginagawa niyo. Dapat isipin na lang agad paano mareresolba ang problema, hindi yung IKAW KASI ganyan ganyan, ikaw kasi eh eh eh, lalala lang yung away, walang maayos, mauuwi sa tampuhan, mauuwi sa hiwalayan. Eh kung parehas at sabay nila naisip na magpakumbaba? Edi sa lambingan pa nauwi ang away na hindi pa lumala :)"
-(via matabangutak)Bakit kasi lagi kang dumadalaw sa panaginip ko?
Ayan tuloy gumaganda ang gising ko!
Online ka, online siya, congrats may internet connection kayong dalawa
Nagseselos ako. Tangina hindi ba pwedeng ako nalang? Kelangan ba talagang tumingin sa iba?
Sa oras na magkakahiwalay ang dalawang tao na nasa relasyon at yung isa eh lubos na nagmamahal pa. Ang tanging maririnig mo sa boses niya eh “
Huwag muna, huwag mo ko iwan, mahal kita. Mahal kita”.
- ” Hindi ko kayang mawala ka “.
- ” Magmahalan lang tayo, Ayusin natin to “.
- ” May pag-asa pa ba?”
- ” Gagawin ko lahat ng gusto mo, huwag mo lang akong iwan”.
- ” Bakit mo ko iiwan? Wala naman akong ginagawang masama. Loyal naman ako sayo ah? “
- ” Huwag mo kong ipagtabuyan. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang “
At marami pang nakakalungkot na eksena. Minsan ano man ang gusto nating paraan eh wala na tayong magagawa kapag ayaw na talaga ng karelasyon mo, wala kang ibang gagawin kundi tanggapin ito ng buo. Na isipin mo yung mga bagay tulad ng
- Kapag ikaw ang mahal niya, ikaw ang pipiliin niya.
- Isipin mo na sa oras na magkabalikan kayo, posibleng iwan ka ulit niya.
- Baka hindi ka lang niya talaga mahal. Nabigla lang siya sa mga desisyon niya. ( Kailangan mong tanggapin na nangyayari talaga ito sa mundo, kaya wala ka talagang magagawa dahil hindi mo kontrolado ang buhay ng isang tao. )
- Isipin mo na malaya ka na ulet. Nasayo ulit ang oras at desisyon mo sa sarili mong buhay.
Marami namang paraan para sumaya eh. At ikaw mismo ang tutuklas nun.
Ang sarap kapag sinabihan ka ng crush mo na maganda ka, tapos seryoso pa siya.
Uri ng Sim Card.
Smart - “Pang bagets daw”
Globe - ” Pang business daw “
Sun - ” Pang may relasyon daw “
TM/Talk and Text - ” Pang masa daw “
Red Mobile - ” Maiba daw “
Ano tayo in the next 10 years?
Nag tutumblr pa rin kaya tayo? Kung sakaling nag tutumblr tayo sa tingin niyo ano na kaya ang mga topic na binoblog natin ngayon?
- Siguro paano na mahalin ang asawa.
- Paano magtatagal ang relasyon sa asawa.
- Dapat na bilang ng anak niyo.
- Family Planning.
- Kapag pagod si Mister aanhin ni Misis?
- Kapag umiiyak ang anak, ito ang tips para patahanin ito.
- Kailan mag babalak mag anak ulit pagkatapos gumawa ng panganay.
Nakaka enjoy lang isipin, sino nga kaya ang mga magiging partner natin sa buhay? Iniisip ko kung gaano na karami ang napost natin kung consistent tayong nagtutumblr, pero sa tingin ko mababawasan na ito ng oras sa oras na nagtatrabaho na tayo, siguro pinakamaraming post mo ay tatlo o apat na lang sa buong araw. Darating ang araw na wala na tayong makikitang pagod sa school ang mga post, kundi pagod sa trabaho na. Enjoyin mo ang mga bagay na ginagawa habang bata pa.
Huwag kang magmadali makahanap ng taong mamahalin mo, tandaan mong mas matagal kang magmamahal kesa sa maghintay.






